sa dota, meron tayong tinatawag na “late gamers.” yun bang sa umpisa ay talung-talo pero sa pagtagal ng game ay nagiging killer. ganun kami eh. mga late gamers. mga late bloomers. patapos na ang year, saka lang kami nagsimulang mamuhay ng maayos. patapos na ang year, saka pa lang kami umiwas sa adiksyon ng dota. patapos na ang year, saka lang kami nakipagbonding sa labas na mundo. ganun kami eh. paano ba yan? pero sa kabila ng lahat, at least nakahabol pa rin naman. hindi naman mahalaga kung late gamer ka o hindi eh… ang mahalaga, ay nagawa mong makisama sa lahat.
“ahem ahem” here goes…
To the cadets, cadettes, officers, teachers and parents who are present in this hall today, a pleasant afternoon.
The journey to this day was not easy. I started the long trudge as a cadet, slowly and painfully crawling its way to the top I achieved. As an underling in the past, I followed orders, dropped to the ground, squatted like a dog and crawled in the mud. It was training. It was the world I decided to enter. And as I look around with what I’ve done to make it here, and what I’ve sacrificed to protect what I got, I can say that no torn muscle was left unimportant.
It is the dream of a CADT cadet to become the Corps Commander of the CADT organization. I was once the boy who dreamed and the boy who achieved his dream. But now, it is time to let go of it. And tears from my eyes flow to the ground as I release the heaviest responsibility I’ve encountered in my High School years.
It was not easy. A heavy weight was placed on my shoulders, and I am the person to carry the heaviest. It was my job. I encountered hardships, battled with struggles and repulsed emotions just to protect the organization and my rank. I was not alone. My officers were there - the chief of staff who was always on my back, the Battalion Commander who amplified my voice, the platoon leaders who relayed my commands, and the cadets who followed me, who will now take succession of the work we left behind. Our commandant was also there for us, who strengthened the organization when external forces push us to our limits, even beyond our limits. I thank all of you, for supporting the organization, and I thank you again, for being good companions in a journey we would never forget.
To Nina Demata, the new Corps Commander of the CADT, I hope that you would take care of the responsibilities I would transfer upon your shoulders. The rank you received is not a joke we would laugh upon, but a serious matter to be carried out with teamwork, leadership and discipline. I hope all the lessons we taught you will be the lessons you will teach your cadets next year. Being the new Colonel, you will experience the heaviest responsibilities and the highest privileges at the same time. May you use it for the improvement of this school’s leadership, and enjoy while at it. I wish you luck, and hope you can do what your predecessors did.
Before I end my speech, I would like to emphasize something. CADT was difficult for me, but it gave me lessons and enough battering for me to know something about life. Leadership is not seeing the leader who can stand as one but by seeing the group as a whole. The colonel is the symbol of the CADT, but the colonel would be incomplete without subordinates.
With this, I end my speech. Have a pleasant afternoon to all of you.
ma iyak na kayu kung iiyak kayu! :P
Eto ah, magpopost ako dito. At kung success ka, wag kang magkakamaling i-close yung window na to. Basahin mo.
Wala ng natutuwa sa nangyayari. Ano ba sa tingin niyo ang nagagwang maganda ng paglalayo niyo sa isa’t-isa? Ganun na bang kahirap magpatawad ngayon? O sa mga may totoong may kasalanan, mahirap bang tumanggap ng mali? Di ako tumutukoy sa isang tao. Dahil may galit na may kasalanan din?
Bakit kailangang pakitirin pa ang utak sa iisang bagay? Teka, maalala ko, ilang taon na tayong magkasama? Ay oo, may isang taon, may dalawang taon, may limang taon. At ilang araw na lang ang nalalabi? Ay oo, labintatlong araw. At di yan tumitigil hangga’t di maging zero. Anong ginagawa niyo? Wala lang, naggagalit-galit dahil nagmamalakihan dahil mas may pride ako kesa sa kaniya, ang kitid naman noh?. Magiging pranka ako.
May narinig pa ako, bahala na kung anong mangyari. Parang tanga lang eh, ano bang gusto niyong palabasin? Ano bang goal niyo? Wala lang, away-away lang.
May nakausap ako isang beses. Yung taong yun galit sa isang tao. Di ko alam kung bakit mas gusto mo na galit ka. Kinausap kita, “Sayang naman yung pagkakaibigan kung ganyan.”
Sagot mo sa akin,” Di ko naman kaibigan yan.”
Hindi mo kaibigan? Pero pag magkasama kayo sa school dati tuwang-tuwa kayo? Ano kayo, nagpa-plastikan? Huwag niyo akong bibigyan ng dahilan na di mo yan kaibigan dahil sa halos isang taon mong kasama yan, siya yung katawanan mo at di man kayo nag-away ng malala. Di mo kaibigan yan? Huwag na huwag mo akong pagmamalakihan sa ganyang katwiran.
O eto pa. Alam na nung tao yung maling nagawa niya. Humingi siya ng sorry, nagtanong kung galit kayo. Anong ginawa niyo? Dinedma niyo. Bakit, masyado bang masama yung nagawa niyang kasalanan? Ni di nga kasalanan yun. Sa palagay ko nga sa isang tao lang siya dapat nagka-kasalanan kung meron man. Nagtataka ako kung bakit tatlo. Yung isa dumadagdag sa galit, makadagdag lang. Yung isa, ano, bitter? Eto ah. Di naman niya pinagkait yung pagkakataon diba? Yung isang tao lang na yun ang di lumapit? May tatanong ako sa inyo? Kung may candy ang isang bata, masasabi mo bang madamot yung batang di ka binigyan ng candy kung di ka naman nanghihingi? Diba? Nagagalit kayo, sinasabi niyo madamot? Bakit, hiningi niyo ba?
Patas naman dun sa isa, hiningi niya pero di nabigay. Ako rin, sa totoo nainis ako dun. Pero sa simula lang. Kasi kung ako rin naman yung nasa lagay niya, di ko rin ibibigay yung hinihingi. Nakiusap naman siya na sa kaniya hanggang huli ah, pumayag naman. Ano pang magagawa natin dun? O isa pang analohiya. Kung ang batang may kendi, gusto yung pinakahuling kendi, tingin mo ibibigay niya pa yung huling natitira? Siyempre sa kaniya na yun. Sa bagay, siya naman ang nagpaalama kung pwede hanggang sa huli, ano pa tayo para gumambala sa pahintulot na iyon?
At magbibigay na naman kayo sa akin ng dahilan na walang magagawa yung sinasabi niya o niyo. Bakit, di na ba kayo amrunong makinig? Kung kayo magso-sorry, gusto niyo bang dinidedma kayo? Diba yung pakiramdam nun masakit. Yung tao na ang nagpapakumbaba, kahit di naman lahat sa kaniya ang kasalanan. Lumapit siya sa taong pinaka-nasaktan niya. Pero walang ginawa sa kaniya. Dinedma na naman siya.
Kayo na rin ang nagsabi, ang mga totoong kaibigana ng magdi-dikit dikit. So, kung yun kaibigan niyo na may nagawang mali ay humingi ng tawad, bakit di niyo papatawarin? At wag niyo akong bibigyan ng dahilan na di niyo siya kaibigan dahil ilang taon niyong kasama yan, lagi niyong katawanan, lagi niyong ka-biruan, lagi niyong ka-asaran. Kaya di niyo masasabi na di niyo siya kaibigan dahil ialng taon na tayo dito at walang dahilan para di masabing hindi. Hindi na panahon ngayon para magpaka-bitter tayo. Iilang araw na lang. At kung wala kayong pake, pwes yung iba may pake kaya magkaroon naman kayo ng konsiderasyon dun sa mga kasama niyong nagdaramdam sa nangyayari. I-deny niyo man ng i-deny, magkakaibigan tayo. Kung sinasabi niyong di niyo kaibigan yung tao, malamang pina-plastik niyo lang siya buong panahon na magkakasama tayo. At di kayo plastik, alam ko di kayo plastik.
Eto pa, di niyo ba alam na may taong naiipit sa ginagawa niyo? May taong labas sa pangkat natin, labas sa success, na nasasaktan dahil nararamdaman niya na may kinalaman siya. Gusto niyo ba yun? May nadadamay sa patuloy niyong pabuluktuton ng dahilan at katwiran. Wala namang magagawa yan diba? Nakaka-sakit lang ng ibang tao na di naman dapat madamay sa isang bagay na walang kwenta.
Di ako nagmamalinis. Pero ito ang isipin niyo. Nainis ako sa ginawa nung taong kinagagalitan niyo, nung simula. Pero natuto kong sabihin sa kaniya ang pagkainis ko dahil mas madali ang ganun. Kung magta-tampuhan kayong parang mga babae, di makikinig sa patawad ng iba, at patuloy magbabaluktot ng katwiran, puro kagaguhan lang ang lalabas sa natitirang ilang araw na pwede sana nating gamitin ng nakangiti at nakatawa.
Kung galit kayo, sabihin niyo sa kaniya. Di na tama yung ginagawa niyo. Marami na masyadong naapektuhan. Kung gusto niyong makipag-usap, mag-uusap tayo lahat. Kahit ayaw niyo naman kasing mandamay ng iba walang iwas na makadadamay pa rin kayo. Kung galit lang naman ang hanap niyo, ilabas niyo sa kaniya. Sabihin niyo. Walang magagawa ang tampo-tampo dahil pambabae lang yan. Ang arte niyo.
Hala, hala. Hindi ko ineexpect yun ah. Walang nageexpect nun!
Basta basta lang na nangyari!
Saan nanggaling yung eroplanong tumama sa Pentagon?! Saan? Wow. Ang cool naman ng mga terorista ngayon…
Nakakanginig yang mga galaw na yan. Parang yung monster sa Silent Hill, yung nagbubuga ng asido XD
Tapos may umepal na isa pang monster. Ito naman hindi ko alam kung san nanggaling 0_o
Sa dinami daming oras na pwedeng magkagalitan, bakit ngayon pa? Ngayon pang patapos na ang skul year? Sobrang galing niyo namang tumayming oh. Ito na nga lang ba ang magiging kapalaran ng Secret Chess Crew? Mga puta kayo!
At sa mismong Prom pa, ah. Totoo pala yung sinasabi nila na “ang pag-ibig ang nakakasira sa pagkakaibigan”. Pero tae naman, ang pagkakaibigan nating IV-Success a.k.a Secret Chess Crew ang pinakamahalagang bagay dito eh, sa panahong magyayaon na tayong lahat. Naman, naman… Bakit hindi na lang kasi magkaintindihan at magpatawad? Walang may sala dito. Unti-unting nawawala ang mga araw at pagkakaibigan nating lahat ang nawawasak!
Please lang. Matigil na sana ang krisis na’to, mga sira ulo kayo. Hindi ito pwedeng magpatuloy.



